Ondoy Tradegy @ 10: Our Lesson-learned

Sampung taon na ang nakakaraan buhat nang manalasa sa Metro Manila at ilang mga karatig-lugar ang Bagyong Ondoy noong Setyembre 26, 2009. Kay laking bangungot sa mga kababayan ang kanilang sinapit.

Naalala ko tuloy ang nangyari nang pauwi na ako galing Amvel, nananghalian muna ako sa McDonald’s Kabihasnan at may kasamang meryenda. Halos wala nang masakyang jeep na biyaheng Sucat Tawid. Kaya nilakad ko na pati tubig-baha na abot hanggang hita ang nadaanan ko. Kaya labis akong nag-alala sa pag-antala. Kaya nga dinaanan ko ang SM Sucat Building B. Kaya naantala ang biyahe nang ilang oras kaya pagsakay ko ng jeep biyaheng Sucat-Tawid, nakahinto, naghahanap ng madadaanan. Kaya naidlip ako ng tulog at halos inumaga na ng Linggo, Setyembre 27. Kaya habang nag-alala ako sa naging pag-antala ay waring bumulong sa akin ang Diyos, “Kay liit ng iyong pananampalataya. Bakit di mo hintaying humupa ang baha? Di mo ba alam na puwede ka pang maghintay ng hatinggabi o madaling-araw at huhupa na ang tubig baha na nanalasa sa Kalakhang Maynila? Huwag kang mawalan ng pag-asa, Anak, marami pang pagkakataon!” Kaya hinayaan ko nang maghintay hanggang sa tuluyang humupa. At maluwalhati na akong nakabiyahe sa halip na ang baba ay sa Sucat Tatawid ay sa Highway ako binaba. Kaya naglakad at tumawid ako at sumakay na lamang ako ng jeep patungong Bicutan, then, nag-tricycle na ako patungong Barangay Street. Nang makababa na ako, nakarating na ako nang maluwalhati sa aming bahay. Doorbell po ako nang doorbell wala pang tumugon. Kaya umupo ako nang ilang oras, then, pagsapit ng alas-3:00 ng Madaling-araw, binuksan ako ng lola ko ng pinto at nakapasok ako, naghapunan ako nang madaling-araw, then, tiningnan ko pa kung may palabas pa ang telebisyon. Then, umakyat ako ng kuwarto ko sa rooftop, nagbihis, at natulog. Then the next morning, biglang nag-doorbell, then, binuksan ko sina papa at Joshua, kapatid ko kay Mama Luisa. Then, balik tulog ako, tapos, after few hours bumangon. At tiningnan ko ang paligid sa panulukan ng Gen. Santos at kalye ng Quezon. Halos giba na ang pader na nakakunekta sa Camp Bagong Diwa dahil sa baha.

Ano ang aral sa ating lahat, Bayan ng Diyos? Bago maging huli ang lahat, magsisi na ang bawat isa sa atin sa lahat ng ating mga pagkukulang at mga pagkakasala sa isip, sa salita, at sa gawa. At isipin po natin ang mga Salitang ipinapahayag ng Diyos.

Tandaan po nating lahat: BAYAN NG DIYOS, MARAMI PANG PAGKAKATAON!

Leave a comment